With Bro Val and Lita Flores
Transcript:
Kasama ko po ngayon si Bro Val and Sis Lita. So ngayon meron akong mga tanong sa inyo na nais malaman ang mga kasagutan tungkol sa pag-aasawa.
Una, ano po ang sikreto sa masayang pagsasama ng mag asawa?
Bro Val: For me, Respeto. Una, mag aadjust ka. Kapag ikaw ay nasa taas, kailangan bumaba ka ng kaunti. Si Sis Lita naman ay aakyat ng kaunti para mag meet kami sa middle ground
Secondly, kaya nagtatagal ang pagsasama namin dahil pareho kaming naglilingkod sa Diyos, ano?
It's like a triangle where God is at the top and as you go along towards God, lumiliit yung gap. So ibig sabihin, nagkakaintindihan tayo. Nilikha tayo ni Lord na magkaiba.
Kunwari ako, career oriented ako. Siya (Sis Lita) naman ay service. So parang ang hirap kung titignan mo pero we have to adjust.
Second question po. Posible po ba na ang mag asawa ay hindi mag away? Kung meron man po, ano ang ginagawa niyo para mabawasan o maiwasan yung pag-aaway?
Sis Lita: Natural lang sa mag-asawa na mayroon ganung time na di magkakaunawaan. Pero una sa lahat dapat si nandoon si Lord sa pagitan namin.
Ang huling tanong ko naman po sa inyo ay para sa mga single at young adults. Anong payo nyo sa mga naghihihntay at gusto nang makasal?
Bro Val: Dapat ipag pray mo talaga kay Lord at may tamang panahon na binibigay si Lord sa isa't isa. Huwag tayong magpadala sa pressure.
"Uy may edad na ako, May kakilala kasi ako na ganitong edad na sila."
Naniniwala po ako na ang Diyos pa rin ang magbibigay sayo ng partner mo.
Ang Diyos ay hindi nagkakamali.
Salamat po!
Commenti